Tagalog news: DOLE, nagkaloob ng P1.7M tulong pangkabuhayan sa mga benepisyaryo sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 13 (PIA) — Tatlong samahan sa Puerto Princesa at Palawan ang ginawaran ng kabuoang halaga na Php1.7 milyon mula sa Integrated Livelihood Program (DILP) ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Mimaropa bilang bahagi ng isinagawang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan, at Kunsyumer (TNKK) caravan kamakailan sa lalawigan.

Ang samahan ng mga manggagawang rural na benepisyaryo ng programa ay ang Narra United Ladies Multi-Purpose Cooperative (NULMPC) na nagpanukala ng negosyong pagawaan ng virgin coconut oil ay pinagkalooban ng Php1.2 milyon.

Halagang Php435, 000  naman ang tinanggap ng Sta. Lucia Nature Development Association (STNDA) mula sa programa para sa kanilang proyektong paggawa ng unan, habang ang Minara Mud Crab Culture Association (MMCCA) ay nakatanggap ng Php134,000.

Ani Undersecretary Bernard Olalia ng DOLE, ang programang pangkabuhayan ng kagawaran ay isa lamang sa kanilang mga pangunahing pamamaraan upang mabawasan ang bahagdan ng kawalan ng trabaho o hanapbuhay at tugunan ang problema ng kahirapan.

“Ang tulong ay libreng bigay ng DOLE, wala po kayong isasauli o babayaran. Ang nais lamang namin ay mapangalagaan at mapalago pa ninyo ang kabuhayang ibinigay ng ating pamahalaan”, pahayag ni Usec. Olalia sa harap ng mga benepisyaryo at partispante ng programa.

Ibinalik naman ng mga pinuno ng nasabing samahan ang pasasalamat sa DOLE. Ani Eddie Evio, pangulo ng MMCCA, malaking tulong ang kanilang natanggap na tulong pinansiyal para sa kanilang hanapbuhay kasabay ng pagtiyak na palalaguin at ipapatuloy ng kanilang asosasyon ang kanilang negosyo.  (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s