Tagalog news: Community Enhancement and Livelihood Project, ipatutupad sa Brooke’s Point, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 13 (PIA) — Ipatutupad sa bayan ng Brooke’s Point ang Community Enhancement and Livelihood Project (CELP), matapos malagdaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at ng Pamahalaang Bayan ng Brooke’s Point ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kamakalawa.

Ang nasabing MOA ay nilagdaan sa pagitan nina Gob. Jose Ch. Alvarez para sa panig ng pamahalaang panlalawigan at ni Mayor Mary Jean D. Feleiciano para naman sa panig naman ng pamahalaang lokal ng Brooke’s Point.

Sinaksihan ito ng mga Punong Barangay na sina Violeta B. dela Cruz ng Bgy. Pangobilian, Vic P. Bagona ng Bgy. District 1, Punong Barangay Abdul I. Ambatul ng Bgy. Oring-Oring at Punong Barangay David B. Cayabo ng Bgy. District 2 dahil sa mga barangay na ito ipatutupad ang CELP. Kasama rin sa sumaksi sina Ceasar Sammy Magbanua, chief of staff ng tanggapan ng Gobernador, ilang kawani ng Provincial Administrator’s Office at ang Technical Working Group ng CELP.

Ang CELP ay isang community-based recovery program na naglalayong mabigyan ng pagkakataong magbagong buhay ang mga sumukong drug users at drug pushers sa ilalim ng Oplan Tokhang na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP).

May kabuuang 253 drug surenderees mula sa apat na barangay ng Bayan ng Brooke’s Point ang sasailalim sa 14 na linggong rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang gawain na nakatuon sa pisikal, mental at pangkalusugang aspeto para sa panunumbalik ng kanilang dignidad at maging kapaki-pakinabang sa kanilang komunidad.

Kabilang din dito ang pagbibigay ng mga kasanayang teknikal at bokasyunal upang magamit ng mga ito sa paghahanap ng trabaho sa pagtatapos ng kanilang rehabilitasyon.

Ito na ang ikatlong serye ng pagpapatupad ng CELP sa Palawan, una dito ay ginanap sa Bayan ng San Vicente at ang ikalawa ay sa Bayan ng Roxas na magtatapos na sa Hulyo 11, 2017. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s