Tagalog news: Magsasaka sa San Jose, nagsasanay sa Farm Business School ng DA

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hulyo 12 (PIA)— Dalawapu’t walong mga magsasaka ng barangay Central at San Agustin, bayan ng San Jose, ang patuloy na dumadalo at nakikinabang sa Season-Long Training on Farm Business School Program ng Department of Agriculture (DA).

Layunin ng naturang pagsasanay na mabigyan ng kaalaman ang mga partisipante hinggil sa pagnenegosyo ng kanilang produkto. Kabilang sa mga pinagaaralan ay ang marketing o paghahanap ng tamang merkado, bookkeeping at recording o pagtatala ng kanilang mga naani (harvested) gayundin ng mga naiibenta ng produkto.

“Itinuro din sa kanila (magsasaka) ang paggawa ng farm plan”, ayon kay Rosalina Austral ng San Jose Municipal Agriculturists Office (MAO). Sa pamamagitan ng farm plan, ay napagaaralan at naihahanda ng isang magsasaka ang mga gagawin sa kanyang sasakahing lupa at nagagamit ang mga tamang pamamaraan upang higit na kumita. “Natutukoy din ng magsasaka ang maari niyang itanim na naayon sa panahon”, dagdag paliwanag ni Austral.

Sa Farm Business School Program ay agarang nagagamit o naia-apply ng mga partisipante ang kanilang mga natututunan sa kanilang sakahan. Nagsimula ang programa noong Hunyo at inaasahang matatapos sa Disyembre ngayong taon.

Maaring makipagugnayan ang mga magsasakang nais mapabilang sa nasabing programa sa mga nakatalagang agricultural technicians sa kanilang mga lugar o kaya ay magsadya sa MAO San Jose. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s