Tagalog news: Kasaysayan ng bagyo sa lugar dapat alamin, payo ng Pagasa-DOST

LUNGSOD QUEZON, Hulyo 12 (PIA) — Kailangan nang alamin ng mga kababayan ang kasaysayan ng pagbaha at iba pang epekto ng madalas na pag-ulan sa kanilang lugar, payo ng isang nakakataas na opisyal ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomic Services Division – Department of Science and Technology (Pagasa-DOST).

“Sa mga taga-Mimaropa, dapat alamin kung anong dapat paghandaan sa bagyo. Ito na ang bagyo season natin. Lalo na yung July at August, yan ang peak season natin ng bagyo, “ pahayag ni  Dra. Esperanza O. Cayanan, hepe ng Pagasa-DOST-Weather Division nang kapanayamin ng PIA-Mimaropa.

“Dapat alam nila kung paano mag-re-react. Kung may Signal No. 2 ba, gaano kalakas? Ano ba ang epekto ng hangin na ito?” tanong ni Dra. Cayanan, “Dapat alam nila ang mga lugar na bahain ang mga ruta na…Mimaropa, di ba may mga isla yan?”

Hinimok din ni Dra. Cayanan ang mga kababayan na magtanong sa kanilang mga opisyal sa barangay at sa iba pang sangay ng lokal na pamahalaan kung paanong paghahanda ang gagawin.

Sang-ayon din ang opisyal na mag-ulat ang mga kababayan sa Pagasa-DOST ng mga pangyayaring may kinalaman sa panahon gaya ng buhawi at waterspout.

Sa mga nakalipas na Climate Outlook Forum, nagpaalala ang Officer-In-Charge ng Climate Monitoring and Prediction Section  ng Climatology and Agrometeorlogy Division (CLIMPS-CAD), Ms. Ana Liza Solis, na ang rehiyon ng Mimaropa ang isa sa mga nakakaranas ng karaniwang pag-ulan sa mga susunod na buwan.

Pero pag-sinabing karaniwan o normal ang pag-ulan sa isang lugar, ibig sabihin nito na mas madalas ang pag-ulan kumpara sa nakaraang buwan.

Subalit dahil maulan na naman sa rehiyon, binigyan-diin ni Ms. Solis na kailangan alamin ng mga kababayan kung saan- saan sa kanilang lugar ang binabaha o pinangyayarihan ng pagguho ng lupa dahil sa ulan para makapaghanda at makaiwas sa pinsala o disgrasya.(LP/PIAReg4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s