Tagalog news: ‘Trabaho, Negosyo, Kabuhayan at Kunsyumerismo’ caravan isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 10 (PIA) — Pinagsama-samang programa ng gobyerno ang inihatid ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan kamakailan.

Ito ay ang tatlong-araw na aktibidad para sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan at Kunsyumerismo (TNKK) na inumpisahan sa pamamagitan ng job fair at pagkonsulta sa iba’t ibang ahensya.

Sa isinagawang programa, tinuran ni Undersecretary Bernard Olalia ng DOLE na hangad ng ahensya na mabawasan ang bahagdan ng kawalan ng trabaho ng mga mamamayan, dagdagan pa ng hanap-buhay o negosyo.

“Through this caravan …  (we can) improve access of employment and business opportunities; we hope to reach public awareness, particularly in providing opportunities for decent work and economic growth”, pahayag ni Usec. Olalia sa harap ng mga partisipante na dumalo sa gawain ng TNKK.

Ani Usec. Olalia, natatangi ang kanilang isinagawang TNK sa Palawan sapagkat dinagdagan nila ito ng serbisyo para sa mga mamimili sa pamamagitan ng DTI.

Ang TNK sa rehiyong Mimaropa ay bahagi ng pinag-isang programa ng mga ahensya ng pamahalaang nasyunal na nagtataguyod ng trabaho, kabuhayan, at pamumuhunan na pinangungunahan ng DOLE. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s