Tagalog news: Sports Clinic isinagawa sa Bulalacao, San Teodoro, Puerto Galera

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 10 (PIA) – Matagumpay na naisagawa ng pamahalaang panlalawigan noong nakaraang buwan ang Sports Clinic para sa mga kabataan ng mga bayan ng Bulalacao, San Teodoro at Puerto Galera.

Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataan sa ibat ibang laro tulad ng football, volleyball at basketball upang maging potensyal na atleta ng lalawigan para sa pagpapaunlad ng palakasan.

Umabot sa 63 kabataan na may edad 14 na taon pababa ang sumailalim sa pagsasanay sa Football Clinic sa bayan ng Bulalacao na ginanap sa Bulalacao Central School.  Itinuro sa mga manlalaro ang mga pangunahing kaalaman sa paglalaro ng football at ang iba’t ibang paraan upang mahasa ang kanilang kakayahan sa tamang paraan.

Samantala, 62 kabataan naman ang lumahok sa Volleyball Clinic na ginanap sa Municipal Gymnasium ng San Teodoro. Sinanay ang mga kalahok at tinuruan ng basic skills at siyentipikong pamamaraan na kailangan upang maging isang mahusay na manlalaro. Sa pagtatapos ng pagsasanay, hinikayat ang mga kabataan na ipagpatuloy ito sa kani-kanilang barangay at ibahagi sa iba ang mga natutunan.

Sa pananalita ni Municipal Sports Coordinator Bernie Bae ng bayan ng San Teodoro, ipinaabot niya ang pasasalamat ni Mayor Salvador Py kay Gob. Alfonso V. Umali, Jr. sa pagkakaroon ng mga ganitong gawain na malaki, aniya, ang maitutulong sa paghubog ng mga kabataan sa larangan ng sports sa kanilang bayan.

Samantala, umabot naman sa 115 kabataan ang sumailalim sa Basketball Clinic sa bayan ng Puerto Galera. Itinuro sa mga kabataan ang mga tamang kasanayan sa paglalaro ng basketball gayundin ang mga katangian na dapat taglayin upang magtagumpay sa larangan ng basketball.

Disiplina, pagsisikap, dedikasyon at determinasyon ang iniwang mensahe ni Junior NBA Coach FM Madrigal, pangunahing tagapagsanay sa basketball camp, sa mga kabataang sumailalim sa pagsasanay. Ayon sa kanya, kasama sa pagsasanay ang paggalang sa mga magulang at sa kapwa manlalaro.

Pasasalamat naman sa gobernador ang ipinaabot ni Municipal Administrator Venancio Yap, kinatawan ni Puerto Galera Mayor Rockey D. Ilagan, sa pagkakaroon ng ganitong programa sa kanilang bayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s