Tagalog news: Mahigit 1,000 katao, nakinabang sa PRC Mobile Services sa Romblon

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 10 (PIA) — Mahigit 1,000 katao ang nakinabang sa isinagawang mobile services ng Professional Regulation Commission (PRC) – Lucena sa bayan ng Odiongan kamakailan.

Ayon kay Public Employment Service Office (PESO) Provincial Manager Alice C. Fetalvero, nasa 350 indibidwal ang nakapagrehistro ng bago at nakapag-renew ng kanilang professional licenses at humigit kumulang 750 naman ang naiprosesong aplikasyon para sa September 2017 Board of Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT).

Taun-taon aniya ay inilalapit ng PRC sa mga taga-Romblon ang ilan sa serbisyo ng kanilang tanggapan upang makatipid sa gastusin at makaiwas sa abala para lamang magproseso ng kanilang lisensiya sa naturang ahensiya.

Dahil sa dami ng mga nagsumite ng aplikasyon ay umaabot ng hanggang 7:00 p.m ang ginagawang pagproseso ng mga kinatawan ng PRC para lamang matugunan ang lahat ng mga aplikante.

Nagpapasalamat naman ang mga aplikante sa PRC Lucena sapagkat malaking tulong sa kanila ang mobile services nito, dahil bukod sa mabilis ang pagproseso ng kanilang aplikasyon, malaki ang natitipid nila at din a kailangan pang lumuwas ng kamaynilaan upang magtungo sa PRC.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s