Tagalog news: ‘Local social pension program’ ng Palawan, pinarangalan ng DSWD-Mimaropa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 10 (PIA) — Pinarangalan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Mimiaropa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan dahil sa pagpapatupad nito ng Local Social Pension Program para sa mga mahihirap na nakatatanda sa Palawan.

Ang parangal ay sa pamamagitan ng ‘Special Citation Award’ na tinanggap ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kamakailan kasabay ng isinagawang Program Implementation Review (PIR) ng DSWD-Mimaropa na ginanap dito sa lungsod.

Ayon kay Abigail D. Ablaña, officer-in-charge ng PSWDO, tanging ang lalawigan lamang ng Palawan sa buong rehiyon ng Mimaropa ang nagpapatupad ng ‘local social pension program’.

Aniya ang ‘local social pension program’ na ito ng pamahalaang panlalawigan ay bukod pa sa social pension program ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng R.A. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Sa kasalukuyan nasa 9,650 indigent senior citizens na ang benepisyaryo ng naturang programa mula 2014 hanggang 2016 na nilaanan ng mahigit P20 milyon pondo ng pamahalaang panlalawigan.

Halagang P250 ang ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng PSWDO na pensiyon sa bawat mahihirap na nakatatanda sa Palawan upang matulungan sila na matugunan ang kanilang mga pangangailangan partikular sa pagkain at gamot. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s