Tagalog news: Job Fair, tampok sa ilulunsad na programa ng DOLE sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 10 (PIA) — Magiging tampok ang isang Job Fair sa paglulunsad ng TNKK (Trabaho, Negosyo, Kabuhayan at Konsumerismo) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa bayan ng Odiongan sa darating na ika-10 ng Hulyo.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng karagdagang trabaho at negosyo sa kanayunan, ang job fair, career at employment coaching upang palakasin ang pagnenegosyo sa komunidad.

Ayon kay DOLE Provincial Director Carl Villaflores, magsisimula ang fair pagpatak ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon na gaganapin sa Romblon State University (RSU) Quadrangle sa nabanggit na bayan.

Inaanyayahan ni Villaflores ang lahat ng Romblomanon na walang trabaho na magtungo sa job fair dahil inaasahang maraming trabaho ang maaring aplayan sa fair mapa-local man o overseas (abroad).

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maaaring bumisita sa tanggapan ng DOLE Romblon Field Office na matatagpuan sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s