Tagalog news: Cacao Production Training, isinagawa ng DTI sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 10 (PIA) — Mahigit dalawampung magsasaka mula sa bayan ng Odiongan ang sumailalim kamakailan sa Cacao Production Training ng Department of Trade and Industry sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Odiongan.

Ayon kay DTI Romblon Provincial Caretaker Orville F. Mallorca, layunin ng naturang pagsasanay na lalo pang mapaunlad ang pagtatanim at mapataas ang produksyon ng cacao kaalinsabay ang pagkakatatag ng Cacao Farmers Association sa Odiongan.

Layunin ng pagkakatatag ng Cacao farmers association sa  nabanggit na bayan na mapagkaisa ang mga kasapi nito sa pagbuo ng mgagandang programa na mapapakinabangan ng samahan at magiging katuwang din ng pamahalaan sa pagpapatupad ng proyekto para makatulong sa mga magsasaka ng cacao.

Ang cacao ay isang uri ng puno na angkop sa iba’t ibang sistema ng produksyon sa pagsasaka na pangunahing ginagamit ang buto para sa paggawa ng tsokolate, tablea, candies, sabon, shampoo, cosmetics at karaniwang sangkap sa mga pagkain.

Ani Mallorca, angkop ang ganitong uri ng pananim sa bayan ng Odiongan dahil mataba ang lupa dito at napakalawak lugar na maaaring pagtaniman.

Si Ginoong Nick Madrilejos, isang graduate sa Cacao Doctors’ Training sa Davao, ang nagsilbing lecturer sa nasabing pagsasanay kung saan kanyang naturuan ang mga kalahok kung paano ang wastong pagpapalago ng cacao at nahikayat ang mga ito na pataasin pa ang produksiyon nito para umasenso.

Magiging katuwang ng cacao growers / farmers ang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pag-market ng mga magiging produkto ng kanilang pananim.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s