Tagalog news: Sahod ng mga kasambahay sa Mimaropa, itinaas

LUNGSOD QUEZON, Hulyo 7 (PIA) — Tumaas  at pinagpantay na ang buwanang pasahod ng mga kasambahay sa Mimaropa.

Batay sa ipinalabas na Wage Order No.RB-Mimaropa-DW-01 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-Mimaropa, ang mga kasambahay, mapa-live-in o mapa-live-out, ay tatanggap ng mga sumunod: Php 2,500 o karagdagang Php 500 sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa chartered city at mga 1st class municipality at sumasahod ng Php 2,000 kada buwan; Php 2,500 o karagdagang Php 1,000 sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa iba pang munisipalidad at sumasahod ng Php 1,500 kada buwan.

Ang dating pasahod ay nakabatay sa minimum rate na itinakda ng Batas Kasambahay.

Ang bagong pasahod ay ibinatay sa mga konsultasyong idinaos noong  Occidental Mindoro, Marinduque at Palawan noong 2016 at nitong lamang taon sa Oriental Mindoro at Romblon.

Saklaw ng bagong wage order ang mga domestic worker na nagbibigay serbisyo tulad ng paghahardinero, pagyaya ng bata, pagluluto, paglalaba at iba pang pangkalahatang paninilbihan sa pamilya.

Hindi saklaw ng bagong wage order ang mga family driver, service provider, mga batang nasa ilalim ng foster family program at iba pang tao na paminsan-minsan lang magtrabaho sa pamilya.

Para naman sa mga domestic worker na kinontrata sa mga private employment agency (PEA), ang magbabayad ng bagong pasahod ay ang mga amo o kliyente.

Ang kontrata ng amo at ng kanyang domestic worker na galing sa PEA ay maituturing na naamyendahan na alinsunod sa bagong wage order.

Hindi maaring pagbatayan ang bagong wage order para bawasan ang mga pinaiiral na pasahod o kaya pigilan ang mga kasambahay na makipag-negosasyon sa kanilang mga amo para sa mas mataas na pasahod.

Hindi magiging sagabal ang wage order sa mga among nagnanais magbigay ng umento batay sa kakayahan ng kasambahay. (LP/RTWP Advertisement)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s