Tagalog news: ‘Regionalization’ at paghahati ng Palawan sa 3 probinsiya, tinatalakay sa sanggunian

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 7 (PIA) — Tinatalakay na sa Committee on Special Concerns ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang panukalang ‘regionalization’ o pagiging isang rehiyon ng Palawan at ang paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya.

Ayon sa may akda ng panukala na si 1st District Provincial Board David Francis Ponce De Leon maaari umanong mahati sa tatlo ang lalawigan ng Palawan at maging isang rehiyon dahil sa lawak nito.

Sa kanyang panukala, mahahati ang lalawigan ng Palawan bilang Northern Palawan, Central Palawan at Southern Palawan kung saan ang Puerto Princesa ang magiging Sentro nito at gagawing Regional Center.

Ayon pa kay Board Member Ponce De Leon ang hakbang na ito ay bilang paghahanda na rin sa hangarin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na palitan ang kasalukuyang porma ng gobyerno ng bansa sa Federalismo.

Pabor naman ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, sa panukalang ito. Ayon kay Board Member Cherry Pie Acosta, kung maisasakatuparan ito ay mas mabilis ang pag-unlad ng bawat probinsiya at mas mapapa-angat pa ang serbisyo sa edukasyon at pangkalusugan.

Iminungkahi naman ng ilang miyembro ng sangguniang panlalawigan na masusing pag-aralan muna ito at isangguni sa lahat ng mga alkalde ng bawat munisipyo gayundin sa tatlong kinatawan ng Palawan sa Kongreso upang mas maayos na maisulong ang panukalang ito. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s