Tagalog news: Proyektong Kalsada sa OrMin, pinasinayaan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 7 (PIA) – Tatlong malalaking proyekto sa ilalim ng programang Konkreto at Ayos na Lansangan ang Daan sa Pangkalahatang Kaunlaran o Kalsada ang sunud-sunod na pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan sa mga bayan ng Victoria, Socorro at Pola kamakalilan lamang.

Pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. ang pagpapasinaya sa mga kalsadang nakongkreto para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.  Tinatayang nasa mahigit na P100 milyon ang nagugol ng pamahalaang lokal sa tatlong bayan.

Ayon sa gobernador, ang mga bagong kalsadang naipakongkreto ay higit na mapakikinabangan ng mga magsasaka sa pag-aangkat at paglalabas ng kanilang mga produkto tulad ng prutas at gulay mula sa malalayong lugar.

Kasama ng gobernador sa pagpapasinaya sina Victoria Mayor Joselito C. Malabanan, Socorro Mayor Ma. Fe V. Brondial, Pola Mayor Leandro P. Panganiban at iba pang mga opisyal ng mga nabanggit na bayan (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s