Tagalog news: Kick-off ceremony ng 22nd PCR Month, isinagawa ng Odiongan MPS

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 7 (PIA) — Sinimulan sa pamamagitan ng Walk For Peace ang kick-off ceremony ng 22nd Police Community Relations Month celebration sa bayan ng Odiongan sa pangnguna ng mga kawani ng Odiongan Municipal Police Station.

Taglay nito ang temang “Promoting and Strengthening Police Community Partnership for a Safe and Progressive Municipality of Odiongan”.

Lumahok sa naturang seremonya ang mga tauhan ng Romblon Provincial Public Safety Company, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, mga miyembro ng Tablas Motorcycle Rider’s Clip, Religious leaders, barangay officials, barangay civil security force, mga estudyante ng Erhard System of Technology Institute at Romblon State University.

Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., chief of police ng Odiongan MPS, layunin aniya ng Walk For Peace ay para pag-isahin ang mga residente ng Odiongan ganun na rin ang iba pang sangay ng gobyerno at NGO para mas mapagtibay ang pagkakaibigan at kapayapaan sa naturang bayan.

Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa komunidad sa pamamagitan ng iba’t-ibang aktibidad at programa gayundin ang pagpaparamdam ng presensiya ng kapulisan upang patuloy na pagtiwalaan ng komunidad.

Nagpapasalamat rin si PSI Fernandez Jr. sa komunidad dahil sa pagsuporta nito sa mga anti-criminality campaign ng pulisya.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s