Tagalog news: Diskriminasyon sa ‘persons living with HIV’ may katapat na parusa

LUNGSOD QUEZON, Hulyo 7 (PIA) — Patuloy ang panawagan ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng mga kaakibat na samahan na supilin ang diskriminasyon sa mga taong namumuhay na may HIV (Human Immunodeficiency Virus).

Sa ACM na idinaos kamakailan sa Puerto Princesa, narinig muli ang mga tinig ng persons living with HIV (PLHIV) na nagpapatunay na mayroong nangyayaring diskriminasyon sa kabila na ipinagbabawal ito ng batas.

Isa sa mga dumalong PLHIV ang nagsabing mahirap tanggapin ang pagkakasakit ng HIV pero mas masakit na makaranas ng diskriminasyon sa kumunidad.

Batay sa Article VII ng Philippine AIDS Prevention and Control of 1998, mapaparusahan ng anim na buwan hanggang apat na taong pagkakakulong at multa na hindi hihigit sa Php 10,000 ang mga tao o institusyon na mapapatunayan nagkasala ng diskriminasyon.

Binanggit din sa batas na maaring matanggalan pa ng lisensya at permit ang mga tao o kaya institusyong lalabag.

Ilang halimbawa ng diskriminasyon batay sa pagkakasakit ng HIV ay ang pagtatangal sa trabaho o promosyon,  hindi pagtanggap sa eskwelahan, di pagkakaloob ng pautang o loan, di pagtanggap ng serbisyong medikal o di kaya pagtanggi sa paglilibing, (LP/DSWD-Mimaropa)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s