Tagalog news: Programang ‘Kalingapp’ tumutulong sa pagbabayad ng Philhealth sa mga Palawenong benepisyaryo

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 6 (PIA) — Tumutulong ang programang Kalingang Pangkalusugan para sa Pamilyang Palaweño (KALINGAPP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa mga mahihirap na Palawenyo sa pamamagitan ng pagbabayad ng taunang kontribusyon sa PhilHealth ng bawat benepisyaryo nito.

Sa talaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), nasa 1,426 indibidwal ang nairehistro sa KALINGAPP mula sa points of care o mga ospital sa buong lalawigan ng Palawan sa unang anim na buwan ng 2017.

Nasa 1,599 indibidwal naman ang nabenepisyuhan ng programang ito sa pamamagitan ng regular na rehistrasyon na isinasagawa ng PSWDO.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 3,025 indibidwal ang benepisyaryo ng programang ito sa unang anim na buwan ng 2017.

Sa pagbubukas naman ng Aborlan Medicare Hospital sa Bayan ng Aborlan ay umaasa ang PSWDO na mas dadami pa ang maitatala ng KALINGAPPP para sa health insurance program na ito. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s