Tagalog news: Mayor Mateo ng Romblon, nagsagawa ng State of the Municipal Address

ROMBLON, Romblon, Hulyo 6 (PIA) — Isinagawa kahapon ni Romblon Mayor Mariano Mateo ang kanyang kauna-unahang State of the Municipal Address (SOMA) sa covered court ng Romblon public plaza.

Ito ay dinaluhan ng matataas na opisyal ng lalawigan, mga Sangguniang Bayan Members ng Romblon, mga empleyado ng munisipyo, barangay officials, head of schools, community development center workers, non-government organizations at iba’t ibang sector ng lipunan.

Sa SOMA ni Mayor Mateo ay kanyang inihayag at ipinagmalaki ang mga nagawa sa unang taon ng kanyang panunungkulan gaya ng pagpapaganda ng mga parke, paglalagay ng terminal o paradahan ng mga pampasaherong jeepney at tricycle, pagsasaayos ng daloy ng trapiko, pagbubukas ng access road sa mga beaches, pagpapatayo ng trading post at iba pang imprastraktura na makatutulong sa mga taga-Romblon.

Iginiit rin nito na mas paiigtingin pa ng kanyang tanggapan ang pagsugpo sa nagbibenta o gumagamit ng iligal droga upang ganap ng maideklarang drug cleared ang bayan ng Romblon.

Ipinangako rin nito na kanyang ipagpapatuloy ang mga proyekto at programang nasimulan para mas maramdaman ng taga-Romblon ang serbisyo ng pamahalaan hanggang sa kasulok-sulokan ng bayan na kanyang pinamumunuan.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s