Tagalog news: Manininda sa ‘Merkado sa Kapitolyo’ sa OrMin, kumita ng mahigit kalahating milyon

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 6 (PIA) – Sa nakaraang mahigit dalawang buwang nakalipas mula ng  ilunsad ang Merkado sa Kapitolyo, umabot  na sa  P545,000 ang  kabuuang kita  ng  mga manininda rito ayon sa tala ng Provincial Tourism Investment and  Enterprise Development Office (PTIEDO) noong nakaraang buwan ng Hunyo.

Ayon  kay Investment Consultant Ricardo Cortez ng PTIEDO,  dahil sa  malaking inisyatiba ng pamahalaang lokal,  hindi lamang kikita ang mga manininda sa Merkado sa Kapitolyo,  sa halip malaking oportunidad ito para sa mga negosyante na magkaroon ng market  matching. Nagsisilbi rin, aniya, itong distribution channel upang mas makilala at maging mabenta ang mga bagong produkto ng mga maninindang Mindoreño.

Sa patuloy na operasyon ng Merkado sa Kapitolyo, higit nitong pasisiglahin mga produktong nararapat tangkilikin ng mga mamamayan na  nagpapakita rin ng malaking  potensyal na lumago ang  negosyo ng mga maliliit na negosyante ng Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga mabibili sa merkado ay organic at sariwang gulay, prutas, pananim na halaman at marami pang ibang mura, masarap at masustansiyang pagkain at mga produktong tunay na gawang Mindoro.

Magpapatuloy ang Merkado sa Kapitolyo tuwing Huwebes at Biyernes. Para  sa  mga  nais  magtinda sa  Merkado sa Kapitolyo,  makipag-ugnayan  lamang sa tanggapan ng PTIEDO sa telepono bilang 043-2867046. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s