Tagalog news: Baybayin ng Puerto Princesa, positibo sa red tide toxin

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 6 (PIA) — Nagpositibo sa red tide toxin ang Puerto Bay, sa lungsod ng Puerto Princesa na nakakasakop sa baybayin ng Sitio Canigaran sa Barangay Bancao-Bancao hanggang Barangay Mangingisda.

Sa ipinalabas na Shellfish Advisory No. 23 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon, base sa resulta red tide monitoring, umabot ang lebel ng lason sa 80 ugSTXeq/100g ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) na nakita mula sa nakolektang shellfish sample sa lugar.

Bunsod nito, pinagbabawalan ang publiko na kumain,mangolekta at magbenta ng shellfish at alamang na manggagaling sa Puerto Princesa Bay na sumasakop mula Sitio Canigaran, Bancao-Bancao hanggang Barangay Mangingisda sa lungsod.

Ayon sa BFAR, maaalis lamang ang shellfish ban sa oras na bumaba sa naaayong limitasyon na 60 ugSTXeq/100g ang lebel ng nakalalasong paralitiko.

Samantala, nananatili namang ligtas sa red tide ang Honda Bay sa lungsod at loobang bahagi ng Malampaya Sound sa Taytay, Palawan na sumailalim din sa pagsusubaybay ng BFAR. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s