Tagalog news: TechVoc School, nagbukas ng bagong campus sa bayan ng Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 5 (PIA) — Nagsilbing panauhin si Mayor Trina Firmalo-Fabic sa pasinaya ng binuksang Technical and Vocational school ng Montfort Academy ang blessing sa bayan ng Odiongan kamakailan.

Naging matagumpay ang pagbubukas extension school dahil na rin sa suporta ng LGU Odiongan, TESDA-Romblon at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) –  Romblon Field Office.

Ang pagbubukas ng naturang TechVoc school ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbabasbas sa buong gusali ni Father John Parago ng Simbahang Katoliko.

Tampok na panauhing pandangal sa nasabing okasyon ang dalawang taong nagsilbing instrumento sa pagbubukas ng nasabing technical vocational school sa katauhan nina Ginoong Giuseppe Dei Rossi mula sa bansang Italy at Brother Mathew Kavunkal, SG, Presidente ng Adozioni A Distanza mula naman sa bansang India.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon sina Vice Mayor Cocoy Reyes, mga Sangguniang Bayan Members na sina Diven Dimaala, Letty Maganggo, Rolly Lachica at Virgie Maulion, maging ang Vice Mayor ng bayan ng Sta. Maria at mga stakeholders.

Sinabi ni Brother Arul Ryan, Director ng nasabing technical vocational school, naging matagumpay ang pagbubukas ng extension campus sa bayan ng Odiongan dahil na rin sa buong suporta ni Ginoong Dei Rossi at Brother Kavunkal na siyang benefactors ng nasabing extension school.

Ayon pa kay Brother Ryan, libre ang pag-aaral ng 50 mahihirap na estudyante sa naturang paaralan at kapag sila ay nakapagtapos ay tatanggap ang mga ito ng NCII Certificate.

Sa talumpati ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, naging emosyonal ito ng kanyang ipaliwanag kung paano naisakatuparan ang pagbubukas ng extension school sa bayan ng Odiongan at kung paano nila pinag-usapan o plinano kasama ng dalawang benefactor ang pagsasakatuparan ng pagtatayo ng nasabing paaralan.

Dagdag pa ni Mayor Fabic na sana ay pahalagahan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa nasabing paaralan upang maging gabay nila at hagdan para mabago ang kanilang buhay.

Tiniyak rin ng alkalde na pansamantala lamang ang lugar na pinagtayuan ng extension school sa Barangay Dapawan dahil kasalukuyan ng ginagawa ang plano ng malaking paaralan ng Monfort Academy (Odiongan Extension) sa Barangay Patoo ng naturang bayan.

Matatandaan na nauna ng nagkaroon ng Montfort Academy sa kabisera ng lalawigan partikular sa Barangay Lonos kung saan ay itinatag ito ng Montfort Brothers noong taong 2009.

Prayoridad ng Montfort Academy ang mga estudyanteng anak ng mga single parent, mga may kapansanan (PWD) at mga mahihirap na mga pamilya na gustong makapag-aral ng technical vocational courses sa ilalim ng pamamahala ng TESDA.

Ang Montfort Academy ay itinatag mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas sa pamamagitan ni Ginoong Louis de Montfort mula sa bansang France at sa kasalukuyan ay mayroon ng sangay sa 32 bansa sa buong mundo.

Kabilang din sa mga sumaksi sa pasinaya sina Provincial Director Armando Aquino ng TESDA kasama ang kanilang personnel and staff, Director Carlo Villaflores ng DOLE, mga estudyante ng Monfort Academy at mga lokal na mamamahayag ng Romblon na kinabibilangan nina Paul Jaysent Fos ng Romblon News Network at Suico Romero ng Romblon Sun.(EE/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s