Tagalog news: Tatlong islang munisipyo sa Palawan, idineklarang ‘drug free’ ng PDEA

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 5 (PIA) — Idineklarang ‘drug free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong islang munisipyo sa Palawan.

Ang deklarasyon ay inihayag ni PDEA Regional Director Atty. Jaquilyn de Guzman sa isinagawang presentasyon nito sa harap ng mga lokal na opisyal ng lalawigan at mga mamahayag kamakailan sa gusaling Kapitolyo.

Ayon sa Oversight Committee Validation na isinagawa ng Philippine PDEA, amg tatlong islang munisipyo idineklarang ‘drug free’ ay ang Bayan ng Magsaysay, Cagayancillo at Araceli na nasa bahaging norte ng lalawigan.

Ang hakbang na ito ng PDEA ay bahagi ng Drug Clearing Program na nakapaloob sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 3 series of 2017 na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. de Guzman, hindi nangangahulugan na kung nadeklara nang drug-free ang isang munisipyo ay pababayaan na ito. Aniya, mas marami pang magiging trabaho ang mga otoridad at lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kanilang estado bilang drug free o drug cleared.

Nilinaw din ni Atty De Guzman na maaaring bawiin ang pagkakadeklarang ‘drug free’ o ‘drug cleared’ sa isang lugar kung mapapatunayan na mayroong na namang presensya ng iligal na droga dito.

Inaasahan naman na mayroon pang ibang munisipyo sa Palawan na madedeklarang drug-free o drug cleared sa susunod na validation ng PDEA.

Dagdag pa ni Atty. De Guzman, upang maideklarang ‘drug free’ o ‘drug cleared’ ang isang munisipyo ay kailangan nilang magsumite ng mga dokumento na nagpapatunay na walang presensiya ng iligal na droga sa kanilang mga lugar.

kinaAng mga dokumentong kailangang maisumite ay ang mga sumusunod: Pagpapatunay ng pagkakaroon ng tuloy-tuloy na programa para sa mga drug surrenderees; mga ipinapatupad na batas at ordinansang may kaugnayan sa pagsugpo ng iligal na droga; at ang pagpapatunay na wala nang presensya ng mga drug pusher, user, drug dens, drug laboratories, large scale syndicate, marijuana plantation at iba pa sa kanilang lugar.

Kinakailangan ding maglagay ng mesa o lugar na didinig sa mga iuulat ng mga residente kaugnay ng usapin sa iligal na droga. (PIO/OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s