Tagalog news: Mga benepisyaryo ng ‘Mahalin Pagkaing Atin’ sa Palawan, sinanay sa pangkabuhayan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 5 (PIA) — Mahigit 200 benepisyaryo mula sa mga bayan sa Palawan at Puerto Princesa ang sumailalim sa pagsasanay sa idinaos na Food, Agriculture and Livelihood Expo ng programang ‘Mahalin Pagkaing Atin’ sa lungsod.

Ang programa ay handog sa mga manggagawang lokal at sa mga nagnanais na magsimula ng negosyo.

Dito, sinanay ang mga partisipante sa pag-aalaga ng hayop, paggawa ng tinapay at pagluluto ng iba’t ibang klase ng pagkain na pinangunahan ng tanyag na si Chef Boy Logro, ambasador ng nasabing adbokasiya.

Bukod sa pagsasanay, biniyayaan din ng produktong pangsaka at paghahayupan ang mga benepisyaryo mula sa Pilmico Foods Corporation na maaaring magamit ng mga ito bilang panimula.

Layon ng programa na mabigyan ng sapat kaalamang teknikal pagdating sa agrikultura at pagluluto ang mga nagnanais na makalahok sa pangkabuhayang programa. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s