Tagalog news: Reklamo sa ‘Bus Reservation Prioritization’ sa barko, dininig ng SP Ormin

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 4 (PIA) – Dininig ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa huli nitong sesyon ang mga reklamo ng mga mamamayan hinggil sa nangyayaring ‘bus reservation prioritization’ ng mga barkong bumibyahe mula Calapan patungong Batangas.

Pinangunahan ni Bise-Gob. Humerlito A. Dolor ang pagdinig bilang chairman ng Committee on Transportation and Communication.

Sa pagdinig ng problema, dumalo ang mga kinatawan ng mga konsernadong ahensya tulad ng Philippine Ports Authority (PPA), Marina, Philippine Coast Guard gayundin ang mga shipping companies tulad ng Montenegro Shipping Lines, Starlite Ferries, Inc., FastCat, 2Go-Supercat, at OceanJet.

Ayon kay Dolor, ang naturang pagdinig ay upang maliwanagan ang isyu ng pagkakaroon ng bus reservation prioritization sa mga barkong bumibyahe sa rutang Batangas-Calapan vice-versa at maisaayos ang sistema ng mga pantalan upang makapagbigay ng higit na magandang serbisyo para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ipinahayag ng PPA representative na diskresyon ng mga shipping company kung mag-iisyu pa sila ng ticket sa ‘walk-in passengers’ sa oras na may sakay silang bus sapagkat sila ang nakababatid ng kapasidad ng kanilang barko.

Bagamat inamin ng ilan sa mga shipping company na ang mga bus ang nagbibigay sa kanila ng malaking revenue o kita, hindi umano totoong mayroong kontrata o Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng mga bus at shipping companies, taliwas ito sa madalas na idinadahilan ng ilang mga tripulante ng barko kung kaya’t ipinatutupad nila ang ‘No Walk-in Policy’.

Sa layuning mabigyan ng solusyon ang usapin, hiningi ng komite ang iskedyul ng mga shipping company kung kailan limitado ang mga pasaherong kanilang tatanggapin.  Tanging ang Starlite Ferries, Inc., ang nagsabi na 30 walk-in passengers lamang ang kanilang maaaring isakay tuwing ika-11 ng gabi samantalang wala namang nabanggit na limitasyon ang iba pang shipping lines.

Ilang problema rin sa pantalan at shipping lines ang natalakay katulad ng terminal fee, mga palikuran, gayundin ang uri ng serbisyo at pakikitungo sa mga pasahero ng mga staff ng mga kumpanya ng barko.

Ipinakiusap naman ni Dolor sa mga shipping line na huwag nilang tatanggihan ang mga emergency trips ng mga Mindoreño. Upang patuloy na mabantayan at masigurong maayos ang serbisyo ng mga ito, hiniling niyang magsumite ng kopya ng Manual of Operations ang mga barko para masuri at mapag-aralan ng Sangguniang Panlalawigan.  (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s