Tagalog news: Pagasa-DOST, tiniyak na lalagyan ng doppler radar ang lahat ng baybaying dagat

LUNGSOD QUEZON, Hulyo 4 (PIA) — Bilang tulong sa sektor ng transportasyong pandagat, lalagyan ng high frequency Doppler Radar sa mga baybayin ng Pilipinas lalo na yung mga lugar na makakaranas ng matataas na alon.

Bahagi ng pagyayaman sa kakayahan ng Philippine Atmospheric Geophyical and Astronomical Services Division – Department of Science and Technology  ang pamumuhunan sa mga makina na magbabantay ng kalagayan ng panahon sa alinmang bahagi ng bansa.

Ang mga datos na maibibigay ng high frequency doppler radar ay ang taas ng alon (ocean wave height), direksyon at bilis ng alon (wave direction and speed), ocean current at sea surface temperature.

Pero may mga baybayin tulad ng West Philippine Sea ang una nang nalagyan ng Pagasa-DOST ng high frequency Doppler Radar: sa Zambales (Masinloc at NETC o Naval Education and Training Command, San Antonio) at sa Palawan (Berong, Quezon at Punta Baja, Rizal).

“Umpisa pa lang yan, this is part of our modernization (bahagi ng aming modernisasyon), maraming coastal areas ang lalagyan po natin yan. Bukod sa mga gale warning, kakailangan din natin ang mga data na ito (mula sa Doppler Radar). Importante ito sa navigation natin dahil archipelagic ang ating bansa,”paliwanag ni Pagasa-DOST Weather Services  Chief Esperanza Cayanan.

Ginawa ni Dra. Cayanan ang pag-uulat sa high frequency Doppler Radar sa nakaraang Typhoon and Flood Awareness Week forum. (LP)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s