Tagalog news: CAAP naglaan ng Php 15M para sa konstruksyon ng Marinduque Airport

BOAC, Marinduque, Hulyo 4 (PIA)– Naglaan ng Php15 milyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para muling maiayos ang Marinduque Airport sa bayan ng Gasan.

Ito ay matapos makipag-usap at ilapit ni Congressman Lord Allan Velasco ng Marinduque kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang matagal nang nakatigil na operasyon ng nasabing pampaliparan.

Ayon sa kongresista, nakatakda nang magsimula ng konstruksyon ng Marinduque Airport bago magtapos ang taong 2017.

Ayon kay Velasco, mas mapapadali na sa mga turista at negosyante na mag-angkat at magluwas ng mga kalakal para mapalakas muli ang turismo dito.

Patuloy din aniya na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan si Velasco sa CAAP at DOTr upang matiyak nilang matatapos ang pagsasagawa nito bago sumapit ang Mahal na Araw sa 2018 kung saan inaasahan sa panahong ito ang pagdagsa ng mga bisita sa lalawigan dahil sa Moriones Festival. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s