Tagalog news: P1.7M pondo ng DOLE, ipagpapatayo ng fishcage sa Sta. Cruz, Marinduque

BOAC, Marinduque, Hulyo 1 (PIA)—Ibinaba mula sa Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Assistant Regional Director Sixto “Popoy” Rodriguez ang P1.7 million para sa pagpapatayo ng fish cage sa Brgy. Angas, Sta. Cruz, Marinduque.

Ayon kay Marjun Moreno, senior labor and employment officer ng DOLE-Marinduque, nais kasi ng kanilang kagawaran na mas mapalakas pa nila ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Sta. Cruz bilang kilala ang bayan na ito na “seafoods capital” ng probinsya.

Bukod pa rito ay naglalayon din ang kanilang programa na tulungan ang turismo ng Sta. Cruz kung saan malapit sa barangay Angos ang Maniwaya Island.

“Bukod sa pangangailangan sa lapu-lapu, ito po kasing project na ito ay naglalayon na ikabit yung mismong area sa turismo ng Maniwaya para ‘yong mga turista ay hindi lang pupunta para mag-beach kundi para maranasan nila na may kakainan sila o ‘di kaya ay ‘yong activity na pamimingwit ng mga isda,” ayon kay Moreno.

Dagdag pa niya, sa buong kasaysayan ng Mimaropa ay ito ang pinakamalaking budget na inilabas ng kagawaran para sa ganitong klaseng proyekto.

Ang Maniwaya Island kasi ay isa sa mga dinarayo ng mga turista na mga nagnanais na maligo sa dagat at makita ang tinatawag na Palad sand bar at Ungab rock formation lalo na sa panahon ng Mahal na Araw at bakasyon na pwedeng bisitahin sa pamamagitan ng pagtawid sa dagat gamit ang bangka. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s