Tagalog news: Tugon sa climate change sa OrMin, naging positibo sa project evaluator

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 1 (PIA) – Naging positibo ang reaksyon ng bumisitang evaluator ng Climate Resilient Green Growth Project (CRGG) mula sa Global Green Growth Institute (GGGI) kaugnay sa pagpapatupad ng CRGG Planning Project sa lalawigan.

Si Peter King, isang Australian, ang ipinadalang evaluator ng GGGI upang itasa ang mga pamamaraan, polisiya at pagpapatakbo ng CRGG project sa lalawigan sa pakikipagtuwang ng CRGG sa Pamahalaang Panlalawigan.

Sa iprinisentang programa at sa pakikipanayam nito sa mga kasapi ng CRGG Provincial Project Team na kinatawan ni Provincial Planning and Development Coordinator Lydia Muñeca S. Melgar, nagpahayag ito ng paghanga sa sistemang pinaiiral at mga inisyatiba ng pamahalaang lokal hinggil sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa climate change kahit noong wala pa man ang CRGG sa lalawigan.

Kabilang sa mga programang ipinatutupad ngayon ng lalawigan ay ang pagtatanim ng puno, coastal cleanup, community-based training sa mga barangay, koordinasyon sa mga paaralan, at ang malawakang kampanya nito laban sa climate change sa pamamagitan ng radyo at lokal na telebisyon.

Kaugnay nito, naging positibo rin ang isinagawang Danish Appraisal Mission na kinatawan ni Hans Hessel Andersen ng Ministry of Foreign Affairs ng Denmark. Nagpadama rin ito ng paghanga sa Pamahalaang Panlalawigan sa mga isinusuhestyon niyang mga programa na lingid sa kanyang kaalaman ay ginagawa na sa lalawigan.

Layunin ng isinagawang appraisal ni Andersen na makita ang kakayahan ng Oriental Mindoro sa mga proyektong inihahain kontra climate change upang mapondohan at mapalawig pa ang programa. Partikular na tinukoy rito ang potensyal na mapabilang ang Oriental Mindoro sa mapopondohan ng People’s Survival Fund.  Ito ay bunsod sa mga panganib na nakaamba dahil sa lokasyon ng lalawigan at pagkakaroon ng mayamang likas yaman na dapat mapangalagaan.  (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s