Tagalog news: Proklamasyon ng Magsaysay, OccMin bilang drug cleared municipality itinakda

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hunyo 27 (PIA)—Nakatakdang iproklama ang bayan ng Magsaysay bilang Drug-Cleared Municipality sa ika-26 ng Hunyo.

Ang proklamasyon na igagawad sa nasabing munisipyo ay nangangahulugan na nalinis na ng Philippine National Police (PNP) ang buong bayan sa anumang banta ng ipinagbabawal na gamot. Ito rin ay isang katibayan sa tagumpay ng lokal na pamahalaan sa kampanya nito laban sa droga.

Ayon kay Police Senior Inspector (PSI) Joselito Sape, Deputy Chief of Police ng Magsaysay Police Station (MPS), malaking tulong ang suporta ng pamahalaang lokal ng Magsaysay at pakikiisa ng mga mamamayan upang mapagtagumpayan ang banta ng illegal na droga sa kanilang bayan.

“Sinunod po natin ang mga kailangang proseso”, paliwanag ni Sape. Ayon sa kanya, sineguro ng Magsaysay MPS na ang mga sumukong drug personalities, noong magsagawa ang kapulisan ng Oplan Tokhang, ay sumailalim sa rehabilitasyon sa ilalim ng pamumuno ng Municipal Social and Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang religious sector.

Nagsagawa rin ng random drug tests sa tulong ng Department of Health (DOH), upang maseguro na walang bumabalik sa paggamit ng droga, at nagbigay ng tulong na pangkabuhayan ang pamahalaang lokal.

Ang bayan ng Magsaysay, na may 12 barangay, ang kaunaunahang bayan sa lalawigan na maipo- proklama bilang drug-cleared municipality.

Samantala, hinihintay naman ng munisipyo ng  Sta Cruz ang validation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang kilalanin rin ang nasabing bayan, na nalinis na sa ipinagbabawal na gamot. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s