Tagalog news: Mahigit 20,000 mahihirap na balo sa Mimaropa, naitala ng DSWD

LUNGSOD QUEZON, Hunyo 27 (PIA) —  Batay sa datos ng Listahanan noong February 2016, ang Mimaropa ay may 20,749 mahihirap na balo at karamihan ay nagkaka-edad ng 60 taong gulang.

Bilang paggunita sa nalalapit na International Widows’ Day,  isinapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Mimaropa ang bilang ng mga mahihirap na balo ng rehiyon.

Ginugunita tuwing ika-23 ng Hunyo, nilalayon ng  International Widows’ Day na maipabatid  sa publiko ang kalagayan ng mga naghihirap na balo, mapalalaki man o babae, upang mabigyan ng karampatang tulong.

Ang Listahanan ay isang sistema ng pagdadatos para matukoy kung sino at nasaan ang mga mahihirap: ito ang mga nagiging batayan ng mga tanggapang pampamahalaan  (kabilang ang mga lokal na pamahalaan) at Non-Government Organizations (NGO) sa pagbuo ng mga programang makakapag-ahon sa kahirapan.

Mula sa nasabing bilang, may  15,918 (76 porsiyento ) na balo na pawang mga babae samantalang ang nalalabing  4,831 (23.3  porsiyento) ay mga lalaki.

Ang mga balong may kapansanan naman ay aabot sa  1,492.

Kung titingnan kada probinsya, ang Palawan ay may mahihirap na balo na aabot sa 7,116 : ang iba ay matatagpuan sa Oriental Mindoro (5,656); Occidental Mindoro (3,723); Marinduque (1,536); at Romblon (2,718).

Ang Lungsod ng Puerto Princesa (Palawan) ang may pinakamataas na bilang ng mga mahihirap na balo (1,064),  sumusunod ang San Jose, Occidental Mindoro (1,030) at pumapangatlo ang Naujan, Oriental Mindoro (636).

Nangunguna naman ang mga barangay ng  Bancalaan and Mangsee sa Balabac, Palawan sa listahan ng mga barangay na may napakaraming mahihirap na balo sa buong Mimaropa. (LP/DSWD-Mimaropa)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s