Tagalog news: Kasunduan para sa pagpapatupad ng Free WIFI Program sa Palawan, nilagdaan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 29 (PIA) — Lumagda kamakailan sa isang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng programang ‘Free WIFI’ ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ni Governor Jose Chaves Alvarez at ni Undersecretary Monchito Ibrahim bilang kinatawan naman ng Department of Information ang Communications Technology (DICT).

Dito, lalagyan ng DICT ng libreng koneksyon ng WIFI ang lahat ng munisipyo sa lalawigan bilang tugon sa naging kahilingan ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Layon ng programa na mabawasan ang lawak ng distansya pagdating sa paggamit ng social media o internet lalo na sa mga bayan sa kadahilanang ang mga siyudad lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon na makinabang sa internet.

Base sa kasunduan, bawat munisipyo ang lalagyan ng libreng WIFI partikular na ang mga pampublikong lugar gaya ng mga palengke at plaza, maging ang pamahalaang bayan. Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga estudyante na magkaroon ng mabilis na access sa mga impormasyong kinakailangan.

Kaugnay nito, sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA)-Palawan kay Usec. Ibrahim, prayoridad nilang malagyan ng WIFI ang mga bulwagan ng munisipyo upang agad na may magamit para sa transaksyon ng pamahalaan sa bawat opisina.

Samantala, kasama ring pumirma sa kasunduan ang lahat ng lokal na punong ehekutibo ng mga munisipyo sa lalawigan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s