Tagalog news: Coastal clean-up drive, isinagawa ng LGU Romblon sa Barangay Lonos

ROMBLON, Romblon, Hunyo 27 (PIA) — Sama-samang naglunsad ng coastal clean-up drive ang mga opisyal at kawani ng bawat ahensya ng pamahalaang bayan ng Romblon noong Hunyo 23 sa kahabaan ng dalampasigan ng Sitio Bonbon, Brgy. Lonos.

Nanguna sa pamumulot at paghahawan ng mga basura si Mayor Mariano M. Mateo kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Romblon.

Kanya ring pinaalalahan ang mga residenteng naninirahan malapit sa dalampasigan na dapat sila mismo ang  mangasiwa sa pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang paligid.

Sinabi rin ni Mateo na dinarayo o pangunahing pinupuntahan ng mga turista  ang Bonbon beach dahil sa maputing buhangin nito at sand bara kaya dapat lang na datnan nila ito ng malinis.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng team building o family day ngayong taon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Romblon.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s