Tagalog news: Groundbreaking ng Mimaropa TESDA Training Center sa Sta Cruz, isinagawa

STA CRUZ, Occidental Mindoro, Hun 22 (PIA)—Isinagawa kamakailan ang groundbreaking ng itatayong Regional Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Training Center sa bayan ng Sta Cruz, Occidental Mindoro.

Sa isang maikling groundbreaking ceremony sa Grand Creek Hotel and Resort, Sta Cruz ay sinabi ni TESDA Provincial Director Edwin Andoyo, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Regional Training Center (RTC) sa lalawigan.

Aniya, tulong sa ekonomiya ang isa sa maiaambag ng RTC sa bayan ng Sta Cruz at iba pang karatig bayan. “It (RTC) will create employment. (magbibigay ito ng trabaho)”, ayon pa kay Andoyo. Ipinaliwanag ng direktor na malaki ang posibilidad na marami ang magaaral sa RTC, dahil bukas ito para sa mga interesado sa vocational course mula sa iba’t ibang lalawigan sa buong Mimaropa. Sakaling mangyari ang mga ito, mangangailangan ang Sta Cruz ng mga mamumuhunan para sa mga dormitory, tindahan, restaurants at iba pang uri ng negosyo. Nangangahulugan ito ng karagdagang trabaho para sa mga taga-lalawigan.

Idinagdag naman ni Sta Cruz Mayor Meriam Leycano na malaki ang gagampanan ng RTC sa buhay ng mga mahihirap sa kanilang bayan. Aniya, may mapapasukan na ang mga kabataang walang kakayanang makapagaral sa kolehiyo. Dahil dito ay pinasalamatan ng Punong bayan ang pamunuan ng TESDA.

Sa kasalukuyan ay naaprubahan na sa Regional Development Council (RDC) ang paglalagay ng RTC sa lalawigan. Naipasa na rin ito sa komite sa mababang Kapulungan bilang House Bill 5036 at kasalukuyang isinasagawa ang mga kaukulang pagdinig sa Senado. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s