Tagalog news: Pagsasaayos ng suplay ng kuryente sa Marinduque, idinulog sa Napocor

BOAC, Marinduque, Hunyo 21 (PIA)– Sa nakalipas na pakikipag-usap ni Congressman Lord Allan Jay Velasco kay Pio Benavidez, president ng National Power Corporation (NAPOCOR), hiniling ni Velasco na tulungan silang i-upgrade ang linya ng kuryente sa buong lalawigan ng Marinduque.

Nakiusap din ang kongresista na mabigyan sila ng ayuda pagdating sa pagdadagdag ng generators upang matugunan ang tamang boltahe na naisusuplay na kuryente sa bawat tahanan at establisyemento.

Isa kasi sa iniindang problema ng mga taga-Marinduque ay ang madalas na brownout sa mga bayan ng Boac, Mogpog, Sta. Cruz at Torrijosna kung saan ay tumatagal ng hanggang tatlo hanggang apat na oras ang kawalan ng kuryente.

Matapos makipag-usap ni Velasco sa Napocor ay nangako naman si Benavidez na tutulong sila sa pagsasaayos ng kuryente.

Nangako naman si Benavidez na maglalatag ng programa ang kanilang tanggapan upang maging maayos ang supply at transmission ng kuryente sa Marinduque. Dagdag pa niya na magkakaroon sila ng alokasyon sa pag-a-upgrade ng 69kvh na transmission line sa tingin nila ay sasapat sa suplay ng kuryenta na kailangan ng bawat bahay at establisyemento. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s