Tagalog news: Hydraulic rescue equipment, ipinagkaloob ng WeberRescue sa LGU Marinduque

BOAC, Marinduque, Hunyo 21 (PIA)– Nakatanggap ang Provincial Capitol ng emergency response equipments mula WeberRescue, isang supplier ng mga hydraulic rescue equipment mula sa United Kingdom.

Ayon sa Marinduque Provincial Government, matapos ibigay ang mga kagamitan, tinuruan naman ng WeberRescue ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at mga empleyado ng Motorpool kung papaano gamitin ang mga ito gaya ng spreaders, cutters, rescue rams at compact power unit.

Maliban pa rito ay ipinaliwanag sa kanila ni Hans Griese, facilitator ng emergency response training mula WeberRescue ang kahalagahan ng mga kagamitan na maaaring magamit hindi lamang sa panahon ng sakuna kundi pwede rin itong gamitin sa oras ng aksidente sa kalsada.

Umaasa naman si Provincail Administrator Baron Lagran na mas mapapadali at mapapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan sa lalawigan sa panahon ng hindi inaasahang pangyayari gamit ang mga hydraulic equipment na natanggap ng pamahalaang panlalawigan. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s