Tagalog news: Bagong gusali ng Calatrava Municipal Police Station, pinasinayaan na

CALATRAVA, Romblon, Hunyo 21 (PIA) — Pinasinayaan na kamakailan ang bagong gusali ng Calatrava Municipal Police Station na nagkakahalaga ng PhP 4,643,952.94 sa pangunguna ni Police Regional Director Wilben Mayor ng Police Regional Office Mimaropa.

Sa maikling talumpati naman ni Police Regional Director Wilben Mayor, kanyang sinabi na masaya siya at natupad ang pangarap niyang mapaglingkuran ang mga Romblomanon.

Sinabi rin nito na sana ang Romblon PNP ang magsilbing halimbawa ng iba pang PNP Organization sa buong bansa dahil ang mga kawani ng PNP Romblon ay laging handang umaksiyon, magbigay tulong sa mamamayan at maghatid ng serbisyo sa lipunan na kanilang pinagsisilbihan.

Plano rin niyang makapagtayo ng mga standard police station sa bawat munisipyo sa Romblon para makapagbigay ng full support sa mga nasasakupan ng mga municipal police stations.

Sa mensahe ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, chief of police ng Calatrava MPS, nagpasalamat ito sa lahat ng tumulong upang maitayo ang standard police station para sa mga residente ng kanyang nasasakupang bayan.

Nagpasalamat rin ito sa magandang police-community partnership na meron sa kanyang bayan.

Kabilang rin sa mga dumalo sa pasinaya sina Police Provincial Director Leo E. Quevedo, Calatrava Mayor Marieta F. Babera, Provincial Advisory Council Member Nelson Lim, matataas na opisyal Romblon Police Provincial Office at mga kawani ng LGU Calatrava, Romblon. (DM/PIA-Romblon/PIA-MIMAROPA)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s