Tagalog news: ‘Merkado sa Kapitolyo’ ng Calapan pormal nang binuksan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 19 (PIA) – Pormal nang binuksan ang Merkado sa Kapitolyo kamakailan.

Sa pormal na pagbubukas nito kamakailan, umabot sa 35 farm producers, small and medium entrepreneurs ang nakapagpakilala na ng kanilang mga sariling produkto sa mga mamimili.

Ang Merkado sa Kapitolyo ay bukas para sa mga mamimili tuwing araw ng Biyernes, mula 9:00AM hanggang gabi at tuwing Sabado naman ay mula 8:00AM hangang 4:00 ng hapon.

Ayon sa Provincial Information Office, higit itong pasisiglahin sa pamamagitan ng higit pang pagpapataas ng kamalayan hinggil sa mga produktong nararapat tangkilikin ng mga Mindoreño bilang pagpapakita ng suporta sa mga maliliit na magsasaka ng lalawigan.  Kabilang sa mga mabibili sa Merkado ay mga organic at sariwang gulay, pananim na halaman at marami pang ibang mura, masarap at masustansiyang  pagkain at produktong gawa sa Oriental Mindoro. Ayon sa mensahe ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., ang Merkado sa Kapitolyo ay isang proyektong ipinatutupad upang tulungan at bigyan ng pagkakataong makilala ang mga produktong mula sa lalawigan.

Ayon naman kay Bise-Gob. Humerlito A. Dolor, suportado ng Sangguniang Panlalawigan ang mga proyekto at programang ipinatutupad ni Gob. Umali.

Sa unang dalawang araw pa lamang ng Merkado, naabot na nito ang layuning makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya at maragdagan ang kabuhayan ng mga magsasaka sapagkat nakapagtala na kaagad ng kabuuang kita ang merkado na umabot ng mahigit P200,000. Sinisiguro rin ng merkado na sariwa, masustansiya at nasa abot-kayang halaga ang mga produktong iniaalok sa mga mamimili.

Sa kasalukuyan ay tuloy ang panghihikayat ng kapitolyo sa iba pang mga producer at farmer na ipakilala ang kani-kanilang mga produkto sa mga mamimili at nananawagan din  si Gob. Umali sa mga mamamayan na tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Mindoreño. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s