Tagalog news: Komersyo sa ASEAN para sa Palawan, tinalakay sa ‘Ugnayan sa PIA’

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 19 (PIA) — Inilatag  ng Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan sa isinagawang ‘Ugnayan sa Philippine Information Agency (PIA)’ kamakailan ang mga benepisyong pang-ekonomiya ng komunidad sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), bilang ang lalawigan ay maituturing na pamayanan ng mga oportunidad.

Ani Provincial Director Rosenda Fortunado ng DTI-Palawan, posible na sa lalawigan at lungsod ng Puerto Princesa ang iba’t ibang produkto at serbisyong hinahanap ng mga mamimili.

Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit man o malalaking negosyante, pinagagaan din ng gobyerno ang mga patakaran at proseso ng kalakalan sa komunidad ng ASEAN.

Sa puntong ito, hindi lamang kalakalan at pamumuhunan ang maaaring malikha sa komunidad kundi maging ang mga pagkakataon sa trabaho.

Sa kasalukuyan, sinisimulan na ng DTI ang pagbibigay ng ayuda sa mga Small Medium Micro Enterprise (SMEs) sa pamamagitan ng mga programa na magtuturo sa mga ito upang maging organisado, gayundin ang MENTOR ME na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan upang mapaunlad ang negosyo.

Sa kaniyang presentasyon, ipinagmalaki ni Direktor Fortunado ang magandang resulta ng mga programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng DTI kung saan inihalimbawa nito ang Puerto Princesa na may pinaka-malaking porsiyento ng mga negosyante sa buong lalawigan na sinusundan naman ng bayan ng Coron sa bahaging Norte. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s