Tagalog news: Kagamitang pang-opisina, ipinamahagi ng Provincial Advisory Council sa mga Romblon Police

ROMBLON, Romblon, Hunyo 19 (PIA) — Kasabay ng pagdiriwang ng nagdaang ika-119 Araw ng Kalayaan  ipinamahagi ng PNP Romblon – Provincial Advisory Council ang mga kagamitang pang-opisina sa lahat ng Municipal Police Station at Romblon PPO Units na pinangunahan ni PAC Vice Chair Joseph Menorca.

Tinanggap ng Romblon PPO, Romblon Public Safety Company, SOCO Romblon at 17 chief of police ang kanilang isinumeteng ‘wish list’ sa Provincial Advisory Council kung kaya ipinagkaloob sa kanila ang computer set, camera, laptop, projector, printer at iba pang kasangkapang pang-opisina na kanilang magagamit sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Sa maikling pananalita ni Menorca, kanyang hiniling sa kapulisan na pangalagaan ang mga gamit na kaloob sa kanila, gamitin ito ng tama sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng kanilang nasasakupang bayan.

Ang perang ipinambili ng mga kagamitan ay galing sa kinita ng PAC sa ginanap na provincewide Search for Gwapulis 2017 noong Enero at sa pamamagitan ng PAC Resolution No. 2017-05-01 (“A Resolution approving the Acquisition of Proposed Projects for distribution to, and use of, all Romblon PPO Units/ Stations) na inapbrubahan ng konseho ay ipinamili ang P370,000 ng mga gamit na ipamimgay sa pulisya.

Ang pamamahagi ng mga kagamitan ay sinaksihan ni Provincial Director PSSupt. LEO E. Quevedo at mga miyembro ng Provincial Advisory Council na ginanap sa compound ng Romblon Police Provincial Office.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s