Tagalog news: Serbisyo Ora Mismo ng LGU Calapan, isinagawa sa Brgy. Lazareto

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 13 (PIA) – Dinayo ng mga  kinatawan ng pamahalaang panglungsod ang Brgy. Lazareto kamakailan para sa serbisyo ng Kapitolyo Para sa Mamamayan (KPSM) Serbisyo Ora Mismo.

Ayon kay Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado, personal na napili ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. ang naturang barangay dahil aniya ay malapit sa loob ng gobernador ang lugar na kung saan doon nanirahan ang kanilang pamilya nang maglingkod bilang gobernador ng lalawigan ang kanyang ama.

Kabilang sa mga serbisyong naipagkaloob sa mga mamamayan ay ang libreng serbisyong medikal na kung saan 228 katao ang nakinabang.  Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Health Office na kinatawan ni Chief of Hospital Dr. Marpheo E. Marasigan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital, sa pakikipagtulungan ng City Health Office, Oriental Mindoro Medical Society at Philippine Academy of Family Physicians.

Umabot naman sa 74 ang libreng na-check up at nabunutan ng ngipin sa pamamagitan ng mobile dental clinic ng Kapitolyo at City Health Office, sa tulong ng Oriental Mindoro Dental Society at Philippine National Police (PNP) Regional Health Services.

Bukod sa libreng konsultasyon, libre rin ang gamot na naipagkaloob sa 253 indibidwal at 127 naman ang napakain sa libreng soup kitchen.

Nagkaloob din ng libreng eye check-up at salamin, body scan, blood typing, libreng toothbrush para sa mga bata at libreng gupit mula sa Seventh Day Adventist Church na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Area Coordinator Pastor Robert B. Dulay.

Nagkaloob naman ng libreng tuli ang mga medical personnel ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army.

Samantala, 26 ang naging kliyente ng Philhealth, 10 indibidwal ang humingi ng konsultasyong legal sa Provincial Legal Office (PLO), siyam na aso ang nabakunahan kontra-rabies ng Provincial Veterinary Office (PROVET).  Namahagi rin ng mga butong pananim ang Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) samantalang nagkaroon ng film viewing ng iba’t ibang livelihood program ang Provincial Tourism, Investment & Enterprise Development Office (PTIEDO).

May 12 katao ang nakakuha ng dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) samantalang nagbigay naman ng Drug Awareness Symposium ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga barangay tanod.

Namahagi rin ng lambat, kawil at tansi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa 40 mangingisda sa lugar.

Ang KPSM Serbisyo Ora Mismo ay magkakatuwang na isinasagawa sa iba’t ibang barangay ng mga pamahalaang lokal at mga tanggapan ng pamahalaang nasyunal.  CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s