Tagalog news: Mga kawani ng LGU Odiongan, nagsagawa ng mangrove planting sa Romblon

ROMBLON, Romblon, Hunyo 13 (PIA) — Ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ay nagsasagawa ng mangrove planting sa Ginablan Wildlife, Birds and Mangroves Sanctuary sa bayan ng Romblon kamakailan, sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic.

Ang pagtatanim ng propagules ay bahagi ng team building activity ng mga empleyado ng munisipyo ng Odiongan sa kabisera ng lalawigan na naglalayong maibalik sa dati ang mga nasirang bakawan upang magsilbing proteksiyon sa baybayin at mapanumbalik ang marine ecosystem sa nabanggit na lugar.

Mas naging makabuluhan ang team building ng LGU Odiongan dahil bukod sa mas mapaangat ang leadership skills ng bawat empleyado ay nakatulong pa ang mga ito sa pangangalaga sa inang kalikasan.

Ito ay isinagawa din ng LGU Odiongan upang makatutulong para may pangitlogan ang mga isda at iba pang lamang dagat sa naturang barangay.

Nakatutulong rin ang malagong bakawanan sa pagpigil sa malalaking alon at patuloy na pag-init ng panahon.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s