Tagalog news: Mahigit 2,000 maralitang senior citizens sa Romblon, tumanggap ng social pension

ROMBLON, Romblon, Hunyo 13 (PIA) — Dalawang libo at animnapu’t dalawang indigent senior citizens sa bayan ng Romblon ang tumanggap ng kanilang social pension mula sa pamahalaang lokal noong nakaraang linggo.

Ang pamamahagi ng pensyon ay ginanap sa covered court ng Romblon Public Plaza sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office at pakikipagtulungan ng mga empleyado ng pamahalaang bayan ng Romblon.

Sinabi ni Lydia G. Canoy, Head, Office for Senior Citizen Affairs (OSCA), patuloy ang isinasagawang pamimigay ng pamahalaan bayan ng Romblon ng social pension sa mga mahihirap na nakatatanda kung saan may kabuuang Php 6,186,000 ang ipinamahagi nila.  Bawat benepisyaryo ay tumatanggap ng tig-Php 500 kada buwan at ang kanilang tinanggap ay kabayaran para 1st at 2nd quarter ng taong kasalukuyan o mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Ang programang Local Social Pension for Indigent Senior Citizen ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay alinsunod sa R.A. No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nag-aatas sa lokal na pamahalaan na pagkalooban ng buwanang pensyon ang mga kapus-palad na nakatatanda sa lokalidad upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito partikular ang pagkain at gamot.

Sakop ng batas na ito ang mga mahihirap o indigent senior citizens na naghihina na, sakitin, may kapansanan at walang natatanggap na pension o permanenteng pinagkukunan ng kita o suporta sa miyembro ng pamilya.

Ang mga naturang senior citizens ay nakapasa sa requirement ng DSWD National Household Targeting System for Poverty Reduction kung kaya nakasama sa talaan ng mga pensioners.

Nilalayon ng Social Pension Program na maisaayos ang pamumuhay ng mga mahihirap na senior citizen sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan sa mga ito na makabili ng pagkain, gamot at vitamins.

Naniniwala ang LGU Romblon at Municipal Social Welfare and Developnment Office (MSWDO) na malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang kaso ng kagutuman at maprotektahan ang karapatan ng mga mahihirap na matanda sa bansa.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s