Tagalog news: Batangas-Mindoro Superbridge, kabilang sa mga proyektong isinusulong sa OrMin

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 13 (PIA) – Sa kasalukuyan ay tinututukan ng punong lalawigan ang tatlong proyekto dito: ang paglalagay ng Batangas-Mindoro Superbridge, makabagong teknolohiya sa solid waste management at instalasyon ng solar panel system.

Ang unang proyekto ito ay naglalayong makaambag sa pag-unlad ng lalawigan sa transportasyon at ang dalawang huling proyekto ay kapwa umaangkop sa pagkilos kontra climate change at umaambag sa isinusulong ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan na green growth projects.

Ayon kay Gob. Alfonso V. Umali, Jr., handa na  ang Doha, Qatar na mapondohan ang konstruksyon ng proyektong Batangas-Mindoro Superbridge. Hinihintay na lamang nito, aniya, ang approved resolution ng Sangguniang Panlalawigan.

Kaugnay nito, nakaalalay naman si Bise-Gob. Humerlito A. Dolor sa pakikipag-ugnayan sa mga prospective investor para sa naturang proyekto.

Nakikipag-ugnayan na rin ang punong lalawigan hinggil sa bagong teknolohiya sa solid waste management. Ayon sa gobernador, sa bagong teknolohiya, ang kokolektahing basura sa mga barangay ay direktang dadaan sa machine kung saan kapag naisalang dito ay awtomatikong magkakaroon na ng convertion ng basura sa pagiging fertilizer na paglabas dito.

Maliban pa sa mga nabanggit, ipinahayag din ng gobernador na mayroon na rin siyang kausap na interesadong pondohan ang instalasyon ng solar panel system na nakaplanong itayo sa buong Kapitolyo at sa Oriental Mindoro Provincial Hospital. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s