Tagalog news: 8,000 bakanteng trabaho, dala ng DTI at DOLE sa San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hunyo 13 (PIA)– Mayroong 8,000 bakanteng trabaho ang bubuksan sa job fair na gaganapin sa municipal plaza ng bayan ng San Jose sa ika-12 ng Hunyo, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ang nasabing job fair ay bahagi ng programang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan at Konsyumer (TNKK) na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment. Kabilang sa layunin ng programa ay maseguro ang pagkakaroon ng trabaho para sa mga mamamayan, mahubog ang kakayahan at galing ng Pilipino sa paglikha, at entrepreneurship.

Siyam na recruitment agencies ang naimbitahan ng DTI at DOLE. Ang mga ito ay ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative, Helping Hands Development Cooperative, Home Credit, Right Good Phils., Inc., Semirara Mining and Power Corp, Virtualist Business Solutions, EMS Components Assembly, Inc., Career Express at Global Mode Manpower Services.

Ang ilan sa mga trabahong maaring mapunuan ng mga mamamayan ng Occidental Mindoro ay production operators, customer service representatives, office personnel, retail and sales representatives, cadet engineers, heavy equipment operators, truck drivers, electricians, warehouse clerks, accounting staffs, branch clerks and encoders, quality controllers, visual inspectors, machine operators at visual inspectors.

Ipinapayo ng dalawang ahensya (DTI/DOLE) sa mga aplikante na makipagugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) ng kanikanilang mga bayan upang mabigyan ng listahan ng mga papeles o dukumento na dapat dalhin at isumite sa mga kompanyang nais pasukan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s