Tagalog news: Laban sa droga ng Sta Cruz, OccMin magpapatuloy ayon sa PNP

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hunyo 5 (PIA)—Pinaigting na kampanya sa droga ang ipinatutupad ng kapulisan sa bayan ng Sta Cruz base sa paliwanag ni Police Chief Inspector (PCI) Allan Montillana, tagapamahala sa Municipal Police Station (MPS) ng bayan ng Sta Cruz.

Mula nang pasimulan ng pamahalaan ang pakikipaglaban sa droga noong nakaraang taon, sinikap ng MPS Sta Cruz na malinis ang bayan sa ipinagbabawal na gamot. “Sa 11 bayan sa Sta Cruz, maagap nating na-identify na merong dalawang drug free barangay at siyam na dapat linisin”, paliwanag ni Montillana. Ang dalawang drug free barangay ay ang barangay Kurtinganan at Dayap.

Pagpatak ng Nobyembre 2016, sinimulan na ng Sta Cruz ang iba’t ibang programa ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot. Una rito ay ang Department of Health (DOH) Screening. Dito ay ikinakategoriya ng DOH ang mga sumukong drug personalities sa klase ng rehabilitasyon na kailangan nila. Ang klasipikasyon ay counselling para sa hindi pa gaano apektado ng droga, home rehabilitation at community based rehabilitation. “Mapalad kami na hindi pa malala ang epekto ng drugs dito”, ayon pa kay Montillana, kung kaya halos lahat ay counselling lamang ang kailangan batay sa DOH Screening.

Ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) naman ang nagsasagawa ng counselling katuwang ang ilang religious sectors sa Sta Cruz. Naniniwala ang pamahalaan na malaki ang maitutulong ng pagpapataas ng moralidad ng isang tao upang tuluyang ituwid ang kanyang pamumuhay.

“Demand Reduction ang sa amin”, panimula ni Montillana. Sa programang ito ay binibisita ng MPS Sta Cruz ang bawat barangay at paaralan upang magsagawa ng pagtuturo hinggil sa masamang dulot ng drugs. “Namimigay din kami ng pamphlets at flyers”, saad pa ni Montillana.

Sa kasalukuyan ay karagdagang walong barangay ng bayan ng Sta Cruz ang napasama sa drug cleared barangays ng lalawigan. Tanging barangay Alakaak na lamang ang nililinis ng MPS Sta Cruz. “Sisikapin namin na ngayong June, drug cleared na rin ang Alakaak”, ayon pa sa OIC ng MPS Sta Cruz. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s