Tagalog news: ‘Kapatid Mentor Me Program’ ng DTI, ilulunsad sa OccMin

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hunyo 5 (PIA) — Nakatakdang ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Kapatid Mentor Me Program sa ika-14 ng Hunyo sa Sikatuna Beach Hotel, San Jose.

Layunin ng naturang programa na magbigay ng mga pamamaraan upang mapalago ng mga MSME’s (Micro Small and Medium Enterprises) ang kanilang negosyo, sa tulong at gabay ng mga piling negosyanteng may napatunayan na sa kanilang larangan. Ang adhikaing ito ng Kapatid Mentor Me Program ay tumutugon sa nais ng kasalukuyang administrasyon na mapaunlad ang MSME sa bansa.

Ayon kay Noel Flores, officer-in-charge, Provincial Director ng DTI-OccMin, may sampung modules ang programa na nais ng ahensyang matapos ng mga sasaling partisipante. Ang nasabing mga modules ay kaalaman o impormasyon sa iba’t ibang aspeto ng pagnenegosyo. “Kabilang sa halimbawa ng modules ay ang marketing, financial management, gayundin ang mind setting for entrepreneurship”, pagbibigay halimbawa ni Flores.

Inaasahan din ng direktor na magpapadala ang Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) ng mga resource persons na makapagbibigay ng inspirasyon sa pagnenegosyo sa mga dadalo. Ang PCE ang katuwang ng DTI sa paglikha ng mga modules ng nasabing programa.

Bukod sa mga kilalang MSME’s sa lalawigan, kabilang sa mga inimbitahan ng DTI ay ang mga kooperatiba at iba pang mga asosasyon sa lalawigan. “Magsasagawa tayo ng signing of commitments para sa ilang piling entrepreneur, na inaasahan nating tatapusin ang 10 modules”, paglalahad ng direktor. Dagdag pa ni Flores, maaring makipagugnayan sa kanilang tanggapan ang sinumang nais dumalo sa Kapatid Mentor Me Program. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s