Tagalog news: Kampanya kontra-terorismo, paiigtingin ng WESCOM sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 5 (PIA) — Tututukan ngayon ng Western Command (WESCOM) ang pagpapanatili ng pakikipag-ugnayan sa mga komunidad sa lungsod ng Puerto Princesa at Palawan upang maiwasan ang posibleng paghasik ng terorismo sa lalawigan.

Sa panayam ng mga lokal na mamamahayag kay Lt. General Raul del Rosario, commander ng WESCOM, aniya malawak na ang kanilang nabibigyan ng kaalaman tungkol sa taktika ng mga terorista subalit kinakailangan itong mapanatili. “Gusto nating ma-sustain ang mga naipakalat na nating kaalaman sa mga mamayan para maiwasan ang terorismo dito sa atin”, ani del Rosario.

Samantala, sa ulat ng Joint Task Force Peacock, nauna nang naisagawa ang Southern Palawan security forum na nilahukan mga opsiyales ng munisipyo ng Bataraza, Rizal, Brooke’s Point, Balabac at Sofronio Española kasama ang kanilang mga hepe ng pulisya upang maiparating sa mga mamamayan ang pinalakas na kampanya laban sa terorismo.

Sa parte naman ng Pamahalaang Lungsod, ani Jeff Daquilanea ng City Public Order and Safety (CPOS), nasimulan na rin nilang palakasin ang pakikipag-pulong sa mga Punong Barangay sa lungsod, pagkakawang-gawa at pakikipag-uganyan sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno. Isinusulong din ngayon ng WESCOM ang pagpapakalat ng impormasyon sa social media na nagbibigay diin sa pagiging ligtas ng Palawan sa terorismo. Dagdag ni del Rosario, dapat din aniyang palawakin ang kamalayan ng mga mamamayan at panatilihin ang pagiging mapagmatiyag.

Kaugnay nito, muling nagpulong kahapon ang Inter-agency Task Group na pinangungunahan ng WESCOM upang planuhin ang magiging hakbang ng security forces kasama ang mga lokal na pamahalaan kasunod ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao dahil sa nangyayaring sagupaan ng military at teroristang grupong Maute sa Marawi City. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s