Tagalog news: Job fair ng DOLE gaganapin sa M’duque State College

BOAC, Marinduque, Hunyo 5 (PIA)—Magsasagawa ng job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE)- Marinduque sa darating na Hunyo 20 sa gymnasium ng Marinduque State College (MSC) sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Isasabay ng DOLE ang job fair na ito sa nalalapit na Trabaho, Negosyo at Kabuhayan na pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) kung saan katuwang din nila dito ang Public Employment Service Office (PESO) para paghahatid ng mga trabaho at hanapbuhay na pwedeng pasukan ng mga aplikante sa loob at labas ng probinsya.

Ayon kay Marjun S. Moreno, senior labor and employment officer ng DOLE-Marinduque, ilan sa mga trabahong panglokal na hatid nila sa mga Marinduqueno ay nasa motorcycle at grocery sales. Hatid din ng DOLE ang trabahong nasa sector ng agribusiness kung saan mas patok ito sa probinsya.

Bukod pa rito ay nakikipag-ugnayan pa ang kanilang tanggapan sa iba pang kagawaran kung ano pa ang mga bakanteng posisyon na maaaring aplayan.

“Sa ngayon po ay nasa punto na po kami nang pag-a-identify ng mga employer na tinatarget po naming i-invite para pumunta dito at mag-open ng vacancies,” ayon kay Moreno. Dagdag pa niya, bukas din daw ang Philippine Statistics Agency (PSA) sa pagtanggap ng mga aplikante para sa posisyong enumerator.

Narito naman ang mga bagay na dapat dalhin ng mga aplikante sa araw ng job fair: resume (mas mabuti kung mas marami), diploma, transcript of record, certificate of employment, 2×2 ID picture at authenticated birth certificate. Paalala din nila sa mga aplikate na ilagay lang sa resume ang mga mahahalagang impormasyon at gawin hanggang dalawang pahina lamang ito. Payo rin nila na magsuot ng semi-formal na damit at paghandaan ang interbyu para mapahanga nila ang mga employer.

Naibahigi rin ni Moreno na mayroon silang bagong programa na tinatawag na “job start”. Layunin nito na tulungan ng DOLE at ng employer ang mga bagong graduate na linangin ang kanilang mga kahinaan upang kayanin nilang makipagsabayan sa larangan na nais nilang pasukin. Sa kasalukuyan ay sa Puerto Princesa, Palawan pa lamang nila isinasagawa ang job start. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s