Tagalog news: Mga paghahanda sa kalamidad, higit na paiigtingin sa OrMin

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 29 (PIA) – Sa ginanap na Management Committee meeting kamakailan, inatasan ni Provincial Administrator Nelson B. Melgar ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Committee na magsagawa ng mga paghahanda partikular ng earthquake drill at unahing isagawa ito sa mga tanggapan sa Kapitolyo.

Halos magkasunod na linggo noong nakaraang buwan nang naramdaman ng mamamayang Mindoreño ang bagama’t mahinang pagyanig ay nagdulot ng pagka-alarma sa mga mamamayan dahilan upang magsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga paghahanda sa mga ganitong kalamidad.

Nagtalaga ng Safety Officer sa bawat tanggapan na nakatakdang sumailalim sa pagsasanay. Ang Safety Officer ng bawat tanggapan sa loob ng kapitolyo, kasama ang iba pang ahensyang nasyunal, ang magsisilbing tagapamahala sa gagawin kung may mga pagyanig na nagaganap. Sila rin ang mangunguna sa pagtulong sa mga may kapansanan at mga matatanda na nagtratrabaho sa kani-kanilang mga tanggapan.

Pagkatapos nito, higit namang paiigtingin ang pagsasagawa ng mga drill sa mga komunidad katulong ang mga iba’t ibang ahensya. Kabilang naman sa mga nagbo-boluntaryo para rito ang Public Safety Command ng Philippine Army na nakatalaga sa lalawigan na nagpahayag ng interes na makatulong nang ganapin ang pinakahuling pagpupulong ng Philippine Army Public Safety Command Advisory Council na pinangungunahan nina Calapan City Councilor Marian Brucal at Supervising Administrative Officer Maria Fe de Leon bilang chairperson at vice-chairperson ng naturang konseho ayon sa pagkakasunod. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s