San Jose Municipal Health Office, nagsagawa ng 2016 program implementation review

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mayo 29 (PIA) – Isinagawa kamakailan ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng San Jose ang kanilang Program Implementation Review (PIR) para sa taong 2016.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapagaralan ang mga programang ibinaba sa mga mamamayan ng San Jose, kung ito ba ay naging matagumpay o hindi.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Enid Asuncion, maganda ang resulta ng kanilang mga programa kumpara noong mga nagdaang taon, maliban sa pagbibigay ng bakuna sa mga bata.

Aniya, may mga batang hindi na nabigyan ng bakuna dahil sa kakulangang ng mga vaccines mula sa Department of Health (DOH), na sa palagay ng Municipal Health Officer ay sanhi ng nabagong proseso ng procurement mula sa nasabing ahensya.

Dapat din aniyang tututukan ang mga buntis na nanay upang makumbinsi ang mga ito na mas ligtas silang manganak sa pasilidad na sadyang itinayo para sa panganganak. Base sa PIR, lumabas na dalawang porsyento lamang ang itinaas ng facility based delivery, mula 68 porsiyento noong 2015.

Nakarating rin sa kaalaman ng MHO na marami pang mga nanay ang mas piniling manganak sa kanilang bahay sa kabila ng ordinansang ipinalabas ng Sangguniang Bayan ng San Jose na nagbabawal dito. “Hindi rin nagkukulang ang ating mga BHW sa pagpapaliwanag at follow-up sa mga manganganak”, ayon pa kay Asuncion.

Inihayag din ang resulta ng pamamahagi ng MHO ng mga toilet facilites sa mga barangay na hindi nakapagpagawa ng kanilang mga kubeta. Ayon kay Asuncion, higit 1,000 ang target ng kanilang tanggapan na mabigyan at malaking tulong aniya ito sa kalinisan at kalusugan ng pamayanan. Ipinaliwanag ng tagapamuno ng Municipal Health Office na maaring pagmulan ng sakit gaya ng diarrhea ang mga dumi ng tao kapag nakarating ito sa inumin at pagkain. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s