Tagalog news: Tuna Road Map, tinatayang sagot sa pagunlad ng tuna sa OccMIn

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mayo 26 (PIA) – Malaking papel ang gagampanan ng Tuna Road Map sa pagunlad ng industriya ng tuna sa lalawigan, ayon kay Noel Flores, OIC Provincial Director ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang nasabing road map ay resulta ng isinagawang Tuna Congress noong nakaraang taon sa bayan ng Mamburao. Nasundan pa ito ng isang workshop noong Mayo 9-10 sa JDS Hotel, San Jose.

Sinabi ni Flores na ang tuna road map ang magsisilbing daan upang magtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng nasabing industriya.

“Hindi na kami magkakanya-kanya ng programa (para sa tuna). Lahat naman kami (ahensya ng pamahalaan), ang gusto ay magkaroon ng inclusive growth lalo na sa mga benepisyaryo”, dagdag paliwanag pa ni Flores.

Binigay ring halimbawa ng direktor na sakaling problema sa sweldo ang isyu, maaring makialam sa usapan ang Department of Labor and Employment (DOLE) samantalang DTI at Department of Science and Technology sa usaping packaging at teknolohiya.

Dagdag paliwanag pa ni Flores, magkakaroon ng ng direksyon ang industriya ng tuna sa lalawigan. Aniya, kabilang sa layunin ng tuna road map ay ang mabigyan ng Maritime Stewardship Council Certification ang Mindoro Strait. Kapag naisakatuparan ito, maari nang mag-export ng tuna ang lalawigan sa ibang bansa gaya ng Japan, Europa at iba pa.

Samantala, nakabuo na ng Technical Working Group (TWG) ang lalawigan para sa Tuna Road Map. Kabilang sa isasagawa ng TWG ay pagmo-monitor at magsisilbing oversight committee ng nasabing industriya. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s